Filed under: Uncategorized
sa mga oras na tumitipa ako sa aking computer hindi ko alam kung ano ang nais kong isulat o sabihin man lang. ang tanging alam ko lang ay nais kong ibahagi ang saya na may roon ako sa aking puso. wag ninyong isiping may espesyal na taong nagpapasaya sa akin… na partikular. sa totoo meron.. marami sila, sila ang mga taong nakasama ko sa paglalakbay ko pabalik kay Kristo. Sa loob ng isa at kalahating taon inaamin kong nawala ako sa direksyon ng buhay ko.. sa daan patungo kay Krsito pero labis ang pagmamahal niya sa akin, Hindi niya ako pinabayaang mawala ng tuluyan sa kanyang piling. Nagpadala siya ng mga taong makakatulong sa akin upang makita ang tamang daan patungo sa kanya. HIndi ko sinasabing hindi na ako maliligaw ng landas dahil alam kong marami pa rin ang pagsubok na dadaan sa buhay ko. sa ngayon ang alam ko ayaw ko ng bumitiw ulit sa kamay niya, lalabanan ko ang sarili kong kagustuhan upang masunod ang nais niya sa akin. Mahirap, pero alam kong kaya ko ito dahil may tiwala ako sa lumikha sa akin. Maaring ang ibang makakabasa nito ay tatawa at tataas ang kilay. hindi ko kayo masisisi dahil alam kong marami rin akong kamalian. ngunit hindi pa huli para magbago ako. sa mga taong nakasama ko at kasama ko pa rin.. sama-sama tayong magmahal kay Kristo
- dhia/preciious
Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>