Kahit ngayon Lang
Monday August 11th 2008, 3:24 am
Filed under: poems

Kahit ngayon, ngayon lang tayo nagkakilala
Ay alam kong matagal na tayong magkasama
Sa isang hangaring marangal
Sa isang digmaang may saysay
Sa isang ugnayang niluwal
Ng isang dakilang pananaw

At kung sakaling magkalayo man sa gawain
Bawat oras ikaw ay lagi kong kapiling
Sa piling ng bawat api
Kasing-tamis mong ngumiti
Sa bawat pagpupunyagi
Kasama sa layang mithi

At hanggang daigdig ay magbago
Ikaw pa rin ay kasama ko
Ang damdamin at layunin
Patuloy na magniningning
At hanggang daigdig ay magbago
Ikaw pa rin ay kasama ko

Kahit saan man may tunggalian at paglaban
Nagtatagpo lakas natin at paninindigan
Sa bisig na nagpapanday
Sa bisig na nagbubungkal
Ng isang bagong kaisipan
Ng isang malayang lipunan

At hanggang daigdig ay magbago
Ikaw pa rin ay kasama ko
Ang damdamin at layunin
Patuloy na magniningning
At hanggang daigdig (hanggang daigdig) ay magbago
Ikaw pa rin ay kasama ko
Ang damdamin (ang damdamin) at layunin
Patuloy na magniningning

Kahit ngayon, ngayon lang tayo nagkakilala

this song or poem is my favorite.. theme song ng batch namin, Cel, Cielo and Allen, Randy, RJ, Vonci. Katulad ng kantang ito lagi kayo sa puso ko. Ang pinaglalaban natin noon, hanggang ngayon. Sa formator ko Ina, salamat sa lahat. Sa mga nakasama ko sa paglalakbay salamat. Hanggang sa muli nating pagsasama-sama. sa may akda ng kantang ito.. saludo ako saiyo

 





     
No Comments so far



Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

(required)

(required)