Filed under: Uncategorized
Sa mundong ginagalawan natin, lagi tayong pagod dahil sa dami ng gingawa natin. Pagod sa paghahanapbuhay dahil ito ang magbibgay ng pera na siyang pantawid gutom natin at makapagpapsaya "daw" sa atin. Marami ang nalululong sa bisyo dahil doon "daw" nila natatagpuan ang kapayapaan at kaligayahan.
Minsan may nabasa akong article at sinabi roon… Isa lang naman ang gusto nating maranasan. Ang magmahal at mahalin. Totoo ito, marami tayong hinahanap ngunti isa lang naman ang nais nating maramdaman ang mahalin at magkaroon ng kapayapaan sa piling ng taong mahal natin.
Kahapon sa Homily ni Bishop Chito sa ordinasyon ni Reb. Pdre Christian, sinabi niya roon ang isang magangdang kahulugan ng pag-ibig. "Ang pag-ibig laging hinahanap ang iniibig, at ang umiibig ibig niyang laging kapiling ang kanyang iniibig. Ang pag-ibig ay hindi pag-hihiwalay." Isang magandang paala-ala sa atin kung ano ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Na kung mahal natin si Kristo hindi natin matitiis na mahiwalay sa kanya, malayo man tayo ay hahanap-hanapin natin ang wagas na pag-ibig ni Kristo. Katulad ng paghahanap natin sa pag mamahal. Sana ngayong mahal na araw na ito, ating alalahanin ang wagas na pag-ibig na alay ng Diyos sa Ama para sa atin.
Nawa ay buksan natin ang ating mga puso upang matanggap natin ang pagibig na sa atin ay inaalay.
may you find peace and love this lenten season
Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>