anonymous
Tuesday June 12th 2007, 9:11 pm
Filed under: Uncategorized

Isang daan at siyam na libong taon na ang nakararaan
Ng ipagdiwang natin ang pagkamit ng ating Kalayaan..
Isang daan at siyam na libong taon na rin ang nagdaan
Ngunit bakit alipin pa rin tayo sa ating sariling bayan?

Katotohanan at kalayaan  ay patuloy na ipinaglalaban
Ngunit maging pamahalaan ay patuloy na nagbubulag-bulagan
Dahil sila mismo ang kumikitil sa tunay na katotohanan
Mga tao ay itinuturing na mangmanag at sunud-sunuran


Ito ang tunay na kalagayan ng ating Inang Bayan
Mga taong lumalaban at nagsasabi ng katotohanan
Makikita mo sa kalye sumisigaw at humihingi ng katarungan
Ngunit mga bibig nila ay binubusalan.. makikita mong walang buhay sa lansangan

O Inang Bayan.. kalungkutan mo’y nadarama ko
Sa pagdurusa, kahirapan at kamangmangan ng nakararaming Pilipino
O Inang Bayan, nawa’y makamtan mo ang tunay na kalayaan dito sa mundo
Upang kapayapaan at pagmamahal ay madama ng bawat Pilipino


ang tulang ito ay nagawa ko bunsod ng tunay na kalagayan at sitwasyon
nating mga pilipino… maaring bulag ang pamahalaan sa katotohanan
ngunit wag nating hayaan madala sa pagiging bulag at pipi ng mundong ating
ginagalawan. lumaban sa tama.. simulan sa sarili upang ang kalayaan ay
makamtan at susunod na henerasyon ito ay maranasan - dhia





     
No Comments so far



Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

(required)

(required)