Filed under: Uncategorized
Alam kong nasa tabi kita,
Panginoong Diyos sa lahat ng oras
Kamay mo ang siyang nagiingat sa akin
Di ko maabot karunungan mong angkin..
Saan ako paroroon upang matakasan ka?
Akayatin ko man ang langit,
Alam kong naron ka, ako ma’y makalipad
Sa dulong dagat, mapadpad
Daratnan pa rin pag-ibig mong wagas
Siniyasat mo ako at alam ang aking puso
Walang maililihim Sa’Yo, sa’king gawa
Di ko pa binabangit Iyo na itong batid
Sa’Yo anumang isip koy’y di lingid
Sa sinapupunan pa lamang ng aking Ina
Ako ay Iyong nakita na, dahil Ikaw ang may likha
Haba ng aking buhay batid mong itatagal,
Kahanga-hanga dapat kang itanghal
DIYOS ako ay siyasatin
Alamin ang damdamin
Ako’y Iyong subukin
Upang puso’y malaan
Kung ito’y hindi dapat..
Palayain mong ganap ihatid ako sa buhay mong ganap….
Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>