letting Go and letting God…
Sunday February 26th 2006, 5:45 pm
Filed under: Uncategorized

letting go and letting God… a simple words of wisdom. pero isang hamon sa bawat isa sa atin, nasa loob man ng kumbento/seminaryo o kahit sa simpleng buhay na meron tayo dito sa mundong magulo. dahil ang bawat isa sa atin ay nasa paghuhubog ng Diyos Ama.. noon pa man lagi ko ng sinasabi sa sarili ko na "let go and let God". pero aminado rin ako sa sarili ko na hindi ganun kadali ang magpaubaya sa Diyos kung wala kang sapat na pakikipaguganayan at pagtitiwala sa kanya.

sa mga oras na ito alam kong ang mga kasama ko noon sa kumbento ay nasa huling yugto na ng kanilang paghuhubog at klase sa sojourn. masakit at nakakalungkot isipin na hindi ko sila kasama.. at hindi rin nila ako kasama. at doon napasok ulit ang salitang "Let go and Let God". palayaain ko ang sarili ko sa pagiisip na sana… nasa kumbento pa ako, kasama ko pa sila…and let god do this things in his own time. sabi nga ni fr, chavz sa homily niya kahapon sa misa. "There is a time for everything, a time to laugh and a time to mourn…"

at ngayon sa kabila ng pangungulila sa mga taong naging kamanlalakbay ko… at patuloy na pagninilay sa buhay na aking tinatahak at tatahakin.. mahirap man ang hamon.. still i pray.. that he sustains me in my journey and i conitnue to Let Go and Let God.

dhia





     
No Comments so far



Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

(required)

(required)